Sen. Dela Rosa, Hindi Trinaydor ni PBBM – Malacanang

adminbw
By adminbw
1 Min Read

𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍 | Bumwelta ang Malacanang sa naging pahayag ni Senador Ronald Bato dela Rosa na siya ay niloko lamang ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay dela Rosa, sinabi sa kaniya noon ni PBBM na wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi kailanman makikipag-tulungan ang pamahalaan sa Internatinal Criminal Court sa kahit anupamang paraan o porma.

Pero ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang nangyaring panloloko o betrayal dahil mas hindi dapat lokohin ng Pangulo ang batas, ang interes ng bansa at ang mga taong naging biktima ng extrajudicial killings.

Naiintindihan naman aniya ng Palasyo ang nararamdaman ni dela Rosa dahil sangkot ito sa kaso, pero hindi aniya pwedeng diktahan ng sinuman ang pamahalaan sa mga ikikilos nito. (CTTO)

Share This Article
Leave a review

Leave a Review

Your email address will not be published. Required fields are marked *