BAGONG PUREGOLD, ITATAYO SA PALANGINAN, IBA, ZAMBALES

Pillars Central News
1 Min Read

IBA, ZAMBALES– Magkakaroon na ng mas malapit na pamilihan ang mga residente ng Iba, Zambales sa pagtatayo ng isang bagong sangay ng Puregold sa Barangay Palanginan.

Ayon sa mga paunang ulat, ang supermarket ay kasalukuyang itinatayo sa likuran ng Wynn Rebonding Salon. Inaasahang magsisilbi itong bagong shopping destination para sa mga mamimili sa bayan at mga karatig na lugar.

Sa ngayon, ayon sa pinagkunan ng balita, wala pang opisyal na petsa ng pagbubukas ang inanunsyo ng pamunuan ng Puregold.

Kung matutuloy, inaasahang magdudulot ito ng mas maginhawang pamimili, mas maraming pagpipiliang produkto, at karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga lokal na residente.

TAGGED:
Share This Article