SUSPEK SA PAGPATAY SA INDIAN NATIONAL,ARESTADO NG CANDELARIA PULIS!

Pillars Central News
1 Min Read

Nasakote ng Candelaria Pulis ang suspek sa pagpatay sa isang Indian National, bandang 10:15 AM ng Pebrero 10, 2026 sa Brgy. Palanginan, Iba, Zambales.

Isang (1) Hot Pursuit na operasyon ang pinakilos ni PCOL BENJAMIN P ARIOLA, Provincial Director, matapos ang pamamaril sa Indian National noong Pebrero 8, 2025 sa Brgy. Dampay, Candelaria, Zambales. Sa tulong ng Provincial Intelligence Unit, natunton sa Brgy. Palanginan, Iba, Zambales ng mga kapulisan ng Candelaria, sa pamumuno ni PCPT RONAND CARPIO, ang pangunahing suspek sa pagpatay. Isa ring Indian National ang naturang suspek.

Nasa kustodiya na ng Candelaria MPS ang suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Murder.

Patuloy pa rin ang isinasagawang Hot Pursuit operation para maaresto ang dalawa (2) pang suspek na kasama sa pagpatay.

“Nakikiramay po ang buong Zambales PNP sa pamilya ng nasawing Indian National. Makakaasa po sila na hindi po kami titigil hangga’t hindi nahuhuli ang lahat ng mga suspek sa karumal-dumal na krimeng ito.” Ani ni PCOL ARIOLA.

TAGGED:
Share This Article