ZAMBALES FORESHORE LEASE MGMT. COUNCIL, NAG-UMPISA NANG MAGSAGAWA NG PAGSUSUKAT SA ACCRETION AREA SA BAYAN NG SAN FELIPE ZAMABLES

Pillars Central News
3 Min Read

SAN FELIPE, Zambales- Ang pinagsanib pwersa ng mga ahensya ng pamahalaan at komunidad ay nagkaisang madaliin ang pagsusukat at pagsusrin sa Barangay Sto. Nino sa bayang ito upang malaman ang lawak ng akresyon mula sa orihinal na kadastral.

Ang aksyon ay napagpasyahan sa isinagawang pulong ng Zambales Provincial Foreshore Lease Management Council (Council) na nag-aproba na madaliin anf tinatawag na mapping at delineation works, partikular sa lugar kunfg saan ay patuloy ang iligal na pagtatayo ng mga gusali, sa kabila ng mga ibinigay na notice of violations sa mga may-ari ng gusali.

Ang Council ay binubuo ng Zambales Provincial Engineering Office, DENR-Mines and Geosciences Bureau (MGB), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), DENR Regional Office-R3, Zambales Provincial Police Office (ZPPO), Philippine Army, LGU ng mga bayan ng San Narciso, at San Felipe, mga mangingisdas at maging resort owners.

Sa isinagawang pagsu-survey, nagtulos ng mga kawayan upang markahan ang hangganan ng kadastral na itinuro ng makabagong global positioning system (GPS) surveying instruments.

Ayon kay Provincial Consultant on Development and Infrastructure Engr. Domingo Mariano, “Ito ay pagsisikap ng Tanggapan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na makumpleto na ang record at maitalaga ang hangganan ng shoreline.

Sinabi pa ng opisyal na mahalaga ang pagsusukat sa paggawa ng mga hakbangin para masolusyonan ang mga iligal na konstruksyon sa loob ng acretion area, sa kabila ng pag-issue ng mga babala at show cause order.

Samantala, alinsunod sa mungkahi ni San Felipe Mayor Reinhard Jeresano, magsasagawa ang Zambales Provincial Engineering Office (PEO) ng clean-up drive sa bweach area ng San Felipe uopangf maalis ang mga naiwang bakal at iba pang bagay mula sa mga nasirang gusali noong panahon ng bagymaaaring magdulot ng panganib at kapahamakan sa mga turistang maliligo sa dagat.(30)

Sa kabila ng mga babala at mga order na magpakita ng dahilan mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), patuloy pa ring nagtatayo ng mga pasilidad para sa resort ang mga pribadong indibidwal sa loob ng mga accretion area o mga danger zone sa Bgy. Sto. Niño, San Felipe.

TAGGED:
Share This Article