ZAMBALES— Tuluyan nang nasakote ng mga awtoridad ang isa sa mga Wanted sa probinsya ng Zambales na itinuturong suspek sa pagpatay sa isang magsasaka noong nakaraang taon.
Matatandaang noong Nobyembre 2025, nabulabog ang bayan ng Cabangan matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaking may edad 55-anyos, sa ilalim ng “Killing Bridge.”
Matapos ang halos tatlong buwang pagtatago, nasubaybayan ang isa sa dalawang suspek sa kanyang bayan sa Batangas. Noong Pebrero bandang alas-5:00 ng hapon, isinagawa ang isang joint operation sa Lemery, Batangas ng mga tauhan mula sa Lemery Municipal Police Station (MPS), Zambales PPO, at Botolan MPS.
Dinakip ang suspek na kinilala sa alias “Buboy”, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimeng Murder na inilabas ng RTC Branch 69, Iba, Zambales.
Nitong umaga, matagumpay na naibiyahe pabalik ng Botolan, Zambales ang suspek. Sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JEMAR Z DELOS, Hepe ng Botolan, at Pang kalahatang superbisyon ni PCOL BENJAMIN P ARIOLA, Provincial Director ng Zambales PPO, dinala si “buboy” sa Botolan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.


