SUBIC, Zambales – Libo libong mag aaral sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Subic ang nakatanggap ng libreng school bags at school kits sa pangunguna ni Mayor Jonathan “Jon” Khonghun bilang bahagi ng tuloy tuloy na programang pang edukasyon ng lokal na pamahalaan.
Katuwang ni Mayor Jon sa pamamahagi sina Chief of Staff Janjo Khonghun, mga Konsehal at mga Punong Barangay na personal na nag abot ng mga school bag at iba’t ibang school supplies sa mga mag aaral.
Ayon kay Mayor Khonghun, layunin ng programa na mabigyan ng kinakailangang kagamitan ang mga mag aaral upang maging handa sila sa kanilang pag aaral at mabawasan ang gastusin ng kanilang mga magulang.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magulang at guro sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.
Malaking ginhawa umano ang libreng school bags at school kits lalo na sa mga pamilyang may limitadong pinagkukunan ng kabuhayan.
“Patuloy nating isinusulong ang iba’t ibang programang pang edukasyon at pangkabuhayan para mapabuti ang kapakanan ng bawat kabataang Subikeño,” saad pa ni Mayor Khonghun.




