BUREAU OF CUSTOMS SUBIC, PORT OF SUBIC : NAGSAGAWA NG PAGSASALIN NG MGA NASABAT NA SIGARILYO

Pillars Central News
1 Min Read

SUBIC BAY FREEPORT ZONE – Noong Enero 16, 2026, pormal na isinagawa ng Olongapo City Maritime Police Station (MARPSTA), sa pamumuno nina PAT Mark Melendez, PAT Judilyn Aquino, PAT Michelle Dulin, at PAT Franco Biagtan, ang pagsasalin ng limang (5) kahon ng iba’t-ibang marka ng sigarilyo sa Kagawaran ng Aduwana – Daungan ng Subic.

Ang mga nasabing aytem ay tinanggap ni District Collector Noel C. Estanislao, kasama ang mga personnel mula sa Enforcement and Security Service (ESS) na sina SA I Serapion Jacinto Say Martinez, at CMEM I Richard Chuga, gayundin sina COO III Tito Ignacio at ang Pinuno ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) na si IO II Antero Prado Jr. para sa wastong dokumentasyon at aksiyon.

Ang nasabing pagsasalin ay isinagawa alinsunod sa umiiral na mga batas sa aduwana, na lalo pang nagpapalakas ng kooperasyon ng iba’t-ibang ahensya sa paglaban sa iligal na kalakalan at pananabotahe.

Ang mga isinanling sigarilyo ay sumailalim sa nararapat na proseso ng pagkumpiska alinsunod sa umiiral na mga batas, patakaran, at regulasyon.

TAGGED:
Share This Article