Anim na Suspek sa Iligal na Droga, Arestado sa Olongapo City Drug Sting

Pillars Central News
1 Min Read

OLONGAPO CITY – Anim na drug suspects ang naaresto matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Barangay New Kalalake nitong hatinggabi ng Biyernes (Pebrero 13).

Kinilala ng PDEA Zambales Provincial Office ang mga suspek sa kanilang mga alyas:

  1. Alias RADY, lalaki, 31 taong gulang;
  2. Alias RICK, lalaki, 52 taong gulang;
  3. Alias YAN-YAN, lalaki, 36 taong gulang;
  4. Alias NAT-NAT, lalaki, 46 taong gulang;
  5. Alias IAN, lalaki, 31 taong gulang; at
  6. Alias NILO, lalaki, 60 taong gulang.

Nasamsam mula sa mga suspek ang anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na walong gramo, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 54,400.00. Bukod dito, nakumpiska rin ang iba’t ibang drug paraphernalia, isang cellphone, at ang buy-bust money.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Zambales Provincial Office at Olongapo City Police Office Station 3.

Nakatakda nang ihain ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga naarestong suspek.

TAGGED:
Share This Article