CENTENARIAN NG ZAMBALES, TUMATANGGAP NG BUWANANG SUSTENTO MULA SA KAPITOLYO

Pillars Central News
2 Min Read

Iba, Zambales — Patuloy na pinatutunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa ilalim ng pamumuno ni Governor Hermogenes “Jun” Ebdane Jr. ang matatag na suporta para sa sektor ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpapatupad ng Centenarian Monthly Allowance.

Layunin ng nasabing programa na maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga senior citizens na umabot na sa edad na isandaang taon (100 years old) pataas.

Ayon sa tanggapan ng gobernador, malaking tulong ang ibinibigay na buwanang allowance upang mapunan ang pangangailangang medikal at pang-araw-araw na gastusin ng mga lolo at lola sa probinsya.

“Ang ating mga centenarian ay hindi lamang mga residente; sila ang mga buhay na saksi ng ating mayamang kasaysayan at nagsisilbing tanglaw ng inspirasyon para sa bawat Zambaleño,” pahayag ni Governor Ebdane.

“Sa pamamagitan ng programang ito, nais nating ipadama sa kanila na ang kanilang kontribusyon sa komunidad sa loob ng isang siglo ay hindi malilimutan. Sila ang nagpapaalala sa atin ng diwa ng malasakit at pagkakaisa.” Ayon pa sa Gobernador

Dagdag pa ng opisina ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), mahigpit ang kanilang koordinasyon sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa bawat bayan upang matiyak na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay regular na nakakatanggap ng kanilang tulong.

Nanawagan din ang pamahalaang panlalawigan sa mga pamilya na may kapamilyang malapit nang mag-celebrasyon ng kanilang ika-100 kaarawan na agad itong ipagbigay-alam sa kani-kanilang OSCA upang mapabilang sa listahan ng mga tatanggap ng allowance.

TAGGED:
Share This Article