OLONGAPO CITY– Arestado ang isang retiradong miyembro ng PNP at isa pang lalaki, sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Lunes ng gabi, Marso 2, taong kasalukuyan.
Kinilala ang mga suspek na sina
Jo-ar Ramos, alyas “Tattoo,” 35 years old , at residente ng Barangay New Cabalan, Olongapo City; at Hortencio Javier Siazon, 51 years old, isant retiradong pulis at residente ng Barangay Gordon Heights, Olongapo City.
Ayon sa ulat, dakong 11:05 ng gabi isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng Liwanag Street, Purok 4, Barangay New Cabalan.
Pinangunahan ito ng mga elemento mula sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 4, kasama ang City Intelligence Unit (CIU) ng Olongapo City Police Office (OCPO).
Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong (3) pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 31.7 grama na nagkakahalaga ng 215,560.00.
Nakumpiska rin ang tatlong (3) pirasong Php1,000.00 bili na ginamit na marked money sa transaksyon.
Nabatid na si Raagas ay nasa ilalim ng drug watchlist (SLI Listed) ng istasyon, habang si Javier ay bagong tukoy na drug personality sa lungsod.
Dinala sa Police Station 4 ang mga suspek at ang mga nasamsam na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
At Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kaso ay inihahanda ni PCpl Teodoro T Zapanta Jr., investigating officer ng kaso (IOC) at Sinuri naman ito ni PCPT EDUARDO P DE LEON JR., ang Officer-in-Charge ng nasabing istasyon.
Sa


