ππ€ππ“π€π˜ 𝐍𝐀 π’π€π‡πŽπƒ, πˆπ’πˆππ”π‹πŽππ† 𝐍𝐈 π’π„π‚πŽππƒ πƒπˆπ’π“π‘πˆπ‚π“ π‚πŽππ†π‘π„π’π’π–πŽπŒπ€π β€œππ€ππ€π˜ ππˆππ†β€ ππˆπ‹π€ππ† π‚πŽ-π€π”π“π‡πŽπ‘ 𝐍𝐆 𝐇𝐁 πŸ–πŸŽπŸ–πŸ

Pillars Central News
2 Min Read

ZAMBALES – Isang malaking hakbang na ang naisakatuparan para sa mga manggagawang Pilipino matapos pormal na ihain ni Second District Congresswoman Doris “Nanay Bing” E. Maniquiz ang kanyang suporta bilang co-author ng House Bill No. 8081.

Ang panukalang batas na ito, na kilala bilang isang layuning itaguyod ang “equal pay for equal work” sa bansa, na naglalayong wakasan na ang hindi pantay na sistema ng β€œregional wage rates” at palitan ito ng mas makatarungang pasahod para sa lahat ng manggagawa.

Ayon sa inilabas na pahayag mula sa sa opisina ng kongresista noong Lunes ika-2 ng Marso , ay humingi ng suporta si 1st District Congressman Ramon “Jolo” B. Revilla III para sa nasabing panukala.

Agad naman kumilos si Nanay Bing sa araw ding iyon ng pormal niyang inihain ang kanyang pagiging co-author sa ilalim ng Committee on Labor and Employment.

Sa kasalukuyan, aprubado na ang HB 8081 sa committee level at nakatakda na itong ihabol sa Plenaryo para sa susunod na antas ng deliberasyon.

“Malinaw ang aming paninindigan: ito ay para sa karapatan ng bawat manggagawang Pilipino, lalo na sa ating mga kababayang ZambaleΓ±o, saad ni Nanay Bing.

Dagdag pa niya na nararapat lamang na maging pantay ang sahod para sa parehong trabaho, kahit saan mang rehiyon sa bansa ka magtrabaho.

Nagbabala rin ang mambabatas sa publiko laban sa mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanyang posisyon sa panukala.

Giit niya, ang mga balitang nagsasabing siya ay tutol dito ay walang basehan at pawang β€œfake news” lamang.

Ang HB 8081 ay inaasahang magiging pangunahing sandigan ng sektor ng manggagawa para sa pantay na oportunidad at benepisyo sa ilalim ng batas.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *