DEPUTY SPEAKER AT 1ST DISTRICT REP. KHONGHUN, PINASINAYAAN ANG 4 NA BAGONG CLASSROOM SA KOLEHIYO NG SUBIC (KNS)

Pillars Central News
2 Min Read

Subic, Zambales — Opisyal nang binuksan ang apat na bagong silid-aralan sa Kolehiyo ng Subic (KNS) sa pamamagitan ng ribbon-cutting at turnover ceremony na inaasahang makatutulong upang higit na mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng mga mag aaral.

Pinangunahan ni Deputy Speaker at 1st District Representative Jay Khonghun ang pagpapasinaya na sinaksihan naman ng mga matataas na opisyal ng KNS kabilang si Subic Mayor Jonathan “Jon” Khonghun bilang Chiarman ar Board of Trustees at Dr. Rosely Agustin, bilang College President, mga guro at mga mag aaral.

Ayon kay Khonghun, ang karagdagang classrooms ay tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga estudyante mula sa Subic at mga karatig bayan na pinaglilingkuran ng KNS na kung saan layunin nitong mapalawak pa ang pasilidad ng kolehiyo at higit na mapabuti ang kalidad ng edukasyong para sa mga mag aaral.

Binigyang-diin din ni Khonghun na ang naturang proyekto ay bahagi ng kanyang inisyatiba bilang mambabatas upang masuportahan ang sektor ng edukasyon sa kanilang nasasakupan.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan din ni Khonghun ang kanyang ama na nadating Mayor ng Subic at ngayon ay Mayor ng Castillejos, Zambales na si Jeffrey D. Khonghun na nanguna upang maitatag ang Kolehiyo ng Subic noong 2002.

Aniya, ipinagpapatuloy ngayon ni Mayor Jon Khonghun ang layunin na palakasin at pagandahin pa ang kolehiyo para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“Ang ating pagtahak sa landas na ito ay hindi naging madali. Marami tayong dinaanang pagsubok, ngunit dahil sa pagmamahal natin sa mga estudyante, sa Kolehiyo ng Subic at sa kinabukasan ng ating mga anak na ating inaalagaan, patuloy nating ilalaban ang pagpapabuti ng KNS upang lalo pa itong gumanda at makatulong sa buhay ng mga mamamayan,” pahayag pa ni Khonghun.

Tiniyak naman ng mga opisyales ng KNS na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga programang magbibigay ng mas maayos at dekalidad na edukasyon para sa kabataan ng Subic at karatig-lugar.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *