WALA BANG GINAGAWANG PARAAN??! O SADYANG NANGINGIBABAW ANG KA-PILOSOPOHAN??!

Pillars Central News
6 Min Read

DURING Former Zambales Governor Atty. Amor Deloso year 2016-2019 isa sa problema niya kung paano aalisin ang napakalaking deposito ng buhangin na almost Billions of metrict tond mula sa Bulkang Pinatubo. 

Para protektahan ang bawat bayan na posibleng malubog tuwing may bagyo, taon taon walang ginawa ang probinsya ng Zambales kundi magpatayo ng Mega Dike sa mga ilog, tulad nang nangyari sa Botolan na inilubog ang halos 2-3 Barangay dahil sa pagbaba ng buhangin, ang tubig ilog mula sa malakas na ulan ay na-wash out ang mga kabahayan maging ang dike. 

Kaya nagbigay programa noon ang dating Gobernador na libre ang pagkuha ng buhangin pero ang gusto sana niya dreadging subalit hindi pa uso ito. 

Unlike sa Pampanga na in-demand dahil pwedeng by Land para gamitin sa mga Construction na nagsusupply sa katabing mga probinsya at siyudad nito.

Hanggang sa maubos na ang deposito sa Pampanga. Pero hindi pa rin tumigil ang dating Gobernador kung paano maaalis ang buhangin ng tuluyan. 

Kung ma-oobserbahan, isa rin ang bayan ng San Narciso ang posibleng susunod na mawash-out katulad ng sa Botolan??!  bakit kasi ang Maculcol Bridge ay mas mataas pa kaysa sa kabayanan na ang tanging pumuprotekta nalang ay ang dike na patong-patong. 

May mga investor na pumasok para mag dreadging during Gov. Deloso time, subalit sinamantala nila ang pagkakataon, imbes na buhangin, black sand naman ang kanilang hinihigop tapos iiwan ang white sand, hanggang sa tuluyan nang ipinagbawal ito. 

Sa kasalukuya, panahon ni Governor Ebdane nag Boom naman ang reclamation sa Bulacan, Cebu, Batangas, Cavite at Manila Bay, si magandang pagkakataon ito since ang deposito ng buhangin sa Pampanga ay limitado nalang, dito na pumasok ang Barging and dredging operation sa Zambales, dahil kung magdedeliver sila sa mga nabanggit na mga probinsya at siyudad talo ang “Byland” o gumagamit ng mga dumptruck. 

Kaya mas mainam ang dredging dahil ilan lang ang distansya kung dadaan sa dagat. Kaya napansin n’yo mas mabilis ang transportasyon ng buhangin para sa reclamation Project. 

Ang naging positibong aspeto dito ng dreadging ay mabilis na napapaluwag nito ang bunganga ng ilog kaya ang daloy ng tubig at buhangin ay tuloy tuloy hindi na-dedecongest sa itaas na posibleng dahilan para gumawa muli ng daan ang ilog na raragasa sa mga kabayanan sa lalawigan. Tipid pa sa pondo ang gobyerno na laging gawa ng gawa ng dike. 

Isa pa kumikita din ang probinsya, hindi n’yo ba napapansin ang mga proyekto ng kasalukuyang Gobernador?! nagiging progresibo na ang Zambales at handa na para makipag sabayan sa ibang probinsya kabilaan ang Construction ng mga paaralan, kalsada, tulay, hospital, gymnasium, scholarship program, serbisyong medikal, tulong sa mga mangingisda, pagbili ng mga makabagong kagamitan nila tulad ng bangka at barko at iba pang programa na napakalaking pakinabang ang nakukuha ng mamamayan. 

Marami kasi ang pilosopo at hindi muna tinitignan ang aspeto ng proyekto, bagkus ay nakikinig kayo sa bulong at udyok ng mga taong mga ganid at may sariling interest talaga, hindi para sa ikabubuti ng mamayan. 

Bukod pa dito, gaya ng sinabi ko, dito naman papasok ang kaso tungkol sa pagkasira ng mga Beach Resort Malapit sa dalampasigan: 

Ito ay Bunga ng katigasan ng mga ulo ng ilang mga resort owner at mga dayuhang nagpilit na pagtayo sa tabi ng shore line, matatandaan una nang nagbigay babala ang probinsya ng Zambales na bawal magtayo ng estraktura maliban kung ito ay may 20-30 meters distansya mula sa katubigan. Pero ang talagang sukat ay atleast 200-300 meters dahil ilan sa mga lugar dito ay gawa lang ng pagputok ng pinatubo na maaaring bumalik sa dating lugar ang tubig. 

Pero maraming resort owner Ang Hindi nakinig bagkus ay nagtayo pa sila malapit sa katubigan. Kung tutuusin Ito ay iligal. 

Isa pa sa kadahilanan, ay Bago pa pumutok Ang bulkang pinatubo yung mga kinatatayuan Ngayon ng mga resort ay Bahagi pa ng katubigan, pero dahil sa ibinugang buhangin nakabuo Ito ng dagdag shoreline, na marami Ang nag squat na mga residente at nagtayo ng mga kubo, nang naka established inalok sa mga dayuhan at ibinenta. 

Ngayon ay bumabalik na Ang tunay at natural na pesto ng tubig, sino ang sinisisi ninyo??! Isa pa Hindi maaring tituluhan yan dahil pag-aari pa iyan ng gobyerno, pero dahil marami ang Ma-iimpluwensiya napapelan nila ito at nagtayo ang ilan ng permanent structure.

Hintayin n’yo ang pagbawi ng gobyerno sa inyong mga lugar. Hindi naman nagkulang ng paalala at babala  sa inyo ang provincial Government at LGU sa Lalawigan ng Zambales, uso nga dyan ang Land grabbing kaya karamihan dyan puro kaso.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *