VICTORY LINER, NAGBAWAS NG BIYAHE DAHIL SA PANDAIGDIGANG KRISIS SA LANGIS

Pillars Central News
1 Min Read

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng bus company na Victory Liner ang pagbabawas ng dalas ng kanilang mga biyahe dahil sa epekto ng pandaigdigang oil crisis sa kanilang operasyon.

Ayon sa pahayag ng kompanya nitong Lunes, “Dahil sa patuloy na fuel crisis, kasalukuyang humaharap ang Victory Liner sa malalaking hamon sa operasyon. Bilang resulta, ang pagitan at dalas ng aming mga biyahe ay naisaayos na.”

Humingi ng pang-unawa ang Victory Liner sa kanilang mga pasahero, at iginiit na kinakailangan ang hakbang na ito upang “patuloy na makapag-operasyon at makapagserbisyo sa aming mga pasahero nang sustainable.”

“Mananatili kaming nakatuon sa paglilingkod sa inyo nang ligtas at maaasahan, at ginagawa namin ang lahat upang mapanatili ang aming operasyon sa kabila ng mga hamong ito,” dagdag pa ng kumpanya.

Maaari pa ring bumili ng tiket nang direkta sa mga terminal o sa pamamagitan ng mga konduktor ng Victory Liner.

Hindi lamang Victory Liner ang nag-anunsyo ng pagbabago sa kanilang biyahe. Una rito, pansamantalang nag-adjust din ng network ang Cebu Pacific at Philippine Airlines, kabilang ang pagbabawas ng dalas ng flight at pagkansela ng ilang biyahe.

Share This Article