Lungsod ng Maynila, Pilipinas – Aprubado na ng Department of Education (DepEd) ang reclassification ng 914 na mga school leaders kabilang ang mga Head Teachers, Assistant School Principals, at Teachers-in-Charge bilang bahagi ng estratehiya ng ahensya upang tugunan ang kakulangan ng mga principal sa buong bansa.
Sa tulong ng Department of Budget and Management (DBM) at sa ilalim ng malinaw na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mas napapalapit ang bansa sa adhikainng “one school, one principal.”
Ayon sa DepEd, ang hakbang na ito ay hindi lamang administratibong pagbabago kundi isang mahalagang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapakanan at career growth ng mga guro at school leaders.
“Ang matibay na pamumuno sa paaralan ay susi sa dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino,” pahayag ng kagawaran.
Ang reclassification ay inaasahang magpapabilis sa pagpapatupad ng mga programa at magpapalakas sa pamamahala ng mga paaralan, lalo na sa mga lugar na lubhang apektado ng kakulangan ng mga punong-guro.


