WHF AT RIDE-SHARING, ISINUSULONG NI SEN. TULFO PARA MAKATIPID SA GAS

Pillars Central News
1 Min Read

Nakaharap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at matinding problema sa transportasyon ang mga manggagawa, isinusulong ni Senator Erwin Tulfo ang muling pagpapatupad ng work-from-home o WFH arrangements sa mga government agencies at pribadong kumpanya.

Sa panukala ng mambabatas, layon nitong mabawasan ang gastusin ng mga empleyado sa pamasahe at gasolina, lalo na sa mga trabahong hindi naman nangangailangan ng pisikal na presensya sa opisina.

Ayon pa kay Tulfo, para naman sa mga manggagawang kailangang pumasok sa kanilang workplace, maaaring i-encourage ang carpool o ride-sharing upang hati-hati ang gastos sa fuel.

Binigyang-diin din ng senador ang lumalalang problema ng stranded commuters dulot ng kakulangan sa pampublikong sasakyan. Aniya, ang kombinasyon ng flexible work setup at shared transport ay agarang makakapagbigay ginhawa sa publiko.

Samantala, ilang government offices na ang nagpatupad ng alternative work arrangements. Kamakailan, naglabas din ang Malacañang ng Memorandum Circular 114 na nag-uutos ng mas mahigpit na energy conservation sa mga ahensya ng gobyerno.

Share This Article