π—œπ—₯𝗔𝗑, π—•π—¨π—•π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—”π—‘π—š 𝗦𝗧π—₯π—”π—œπ—§ 𝗒𝗙 𝗛𝗒π—₯𝗠𝗨𝗭

Pillars Central News
1 Min Read

INANUNSYO ng Iran na papayagan na nilang dumaan ang mga non-hostile oil tanker sa Strait of Hormuz, basta’t sumunod ang mga ito sa kanilang safety regulations.

Batay sa inilabas na abiso ng nasabing bansa, ang mga barkong may kargang langis lamang ang pahihintulan na dumaan at mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang mga sasakyang pandagat ng Estados Unidos at Israel.

Samantala, kinumpirma rin ng Iran na nakikipag-usap na ang kanilang mga kinatawan sa White House upang waksan ang sigalot na lubhang nakakaapekto sa Gitnang Silangan.

Matatandaang binantaan ni Trump ang Iran na pasasabugin ang mga oil facilities nito kapag hindi pa rin buksan ang Strait of Hormuz na mahalagang ruta para sa mga barko na may kargang langis.

πŸ“Έ: Reuters

Share This Article