METRO MANILA- Inaasahan na magkakaroon na naman ng panibagong round ng pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo, partikular na sa diesel, kung saan maaaring umabot sa halos P14 hanggang P14.50 ang itataas nito kada litro.
Batay sa ipinalabas na estasyon ng mga eksperto sa industriya, ang inaasahang malaking pag-akyat na ito ay posibleng magtulak sa presyo ng diesel patungo sa P130 na marka kada litro. Ito ay kasunod lamang ng napakalaking P20 na dagdag sa produkto sa kasalukuyang linggo.
Samantala, hindi rin magpapahuli ang gasolina, na may inaasahang pagtaas na umaabot sa P7 hanggang P7.50. Ang ganitong galaw ay posibleng magtulak sa presyo nito upang pumalo na sa P100 kada litro sa susunod na linggo.
Ang mga nabanggit na estasyon ay nakabatay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), na siyang pangunahing pricing basis para sa mga refined products sa rehiyon ng Southeast Asia. Ang huling opisyal na anunsyo mula sa mga pangunahing kumpanya ng langis ay inaantabayanan bukas.


