OLONGAPO CITY — Nagsagawa ng pamamahagi ng mga glucometer o blood sugar monitor si Olongapo City Councilor Vic-Vic Magsaysay sa mga residente ng lungsod si bilang bahagi ng kanyang initiative health support sa kanyang nasasakupan.
Layon ng aktibidad na matulungan ang mga benepisyaryo, lalo na ang mga senior citizen, na subaybayan ang kanilang blood sugar level bilang bahagi ng isinasagawang mga hakbang upang itaguyod ang kamalayang pangkalusugan at preventive care.
Batay sa kanyang personal post sa Social media , nakatuon ang pamamahagi sa pagsuporta sa mga miyembro ng komunidad na maaaring nangangailangan ng regular na pagsubaybay sa blood sugar.
Iniharap ang inisyatiba sa ilalim ng mga temang pangkalusugan at edukasyon, na may diin sa pag-aaruga sa mga nakatatandang residente.
Binigyang-halaga din nito ang kahalagahan ng maagang pagtuklas at regular na pagmomonitor sa pamamahala ng mga karamdamang may kaugnayan sa blood sugar.
Iginiit din ni Magsaysay na wala siyang ginamit na pondo ng pamahalaan o pera ng bayan para lang maisakatuparan ang kanyang adhikain.
Paglilinaw pa nito na ang nasabing aktibidad ay suportado ng pribadong sektor at hindi ng pampublikong pondo.


