SUSPEK, ARESTADO SA SEARCH WARRANT OPERATION; ₱75K SHABU NASAMSAM NG PULIS CABANGAN

Pillars Central News
2 Min Read

Matagumpay na naipatupad ang isang search warrant na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek at pagkakasamsam ng mahigit ₱75,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Tondo, Cabangan, Zambales noong Marso 3, 2026, bandang 12:20 ng tanghali.

Pinangunahan ng Cabangan Municipal Police Station bilang lead unit sa ilalim ng pamumuno ni PCPT SIMON R. GONZALES, OIC, katuwang ang mga tauhan ng Zambales Provincial Drug Enforcement Unit at Zambales Provincial Intelligence Unit ang pagpapatupad ng Search Warrant.

Isang 49-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Tondo, Cabangan, Zambales, ang naaresto sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa kanyang tirahan, nakumpiska ang dalawang (2) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 11.06 gramo at tinatayang may street market value na ₱75,208.00 at tatlong (3) piraso na foil.

Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Cabangan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

“Binabati ko ang mga kapulisan ng Cabangan Municipal Police Station para sa matagumpay na operasyong ito. Makakaasa ang ating mga kababayan na magpapatuloy ang ganitong antas ng pagpapatupad ng batas at titiyakin natin na ang sinumang lumalabag sa batas ay mananagot.” ani ni PCOL ARIOLA.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *