9 NA INDIBIDWAL KABILANG ANG ISANG CHINESE NATIONAL, ARESTADO DAHIL SA ILIGAL MINING SA NEGROS

Pillars Central News
1 Min Read

NEGROS OCCIDENTAL – Arestado ang syam na katao, kabilang ang isang Chinese national matapos magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa ilegal na pagmimina sa Barangay Bacuyangan, bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental, nitong Pebrero 26.

Ayon sa ulat, nasamsam sa isinagawang operasyon ang tinatayang P17.5 milyong halaga ng mga kagamitan at ebidensiya, kabilang ang:

  • Dalawang backhoe
  • Tatlong 10-wheeler dump truck
  • Vibrating screen machine
  • Dalawang kahon ng mercury
  • Control panel ng generator set

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng Mines and Geosciences Bureau–Negros Island Region (MGB-NIR) hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad sa nasabing lugar.

Naaktuhan ang mga suspek habang nagsasagawa ng pagmimina at pagkuha ng yamang-mineral nang walang kinakailangang permit, mining rights, o kasunduan mula sa MGB at iba pang awtoridad.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995, kaugnay ng People’s Small-Scale Mining Act of 1991.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *