MAYNILA, Pilipinas — Dinakip ng mga awtoridad ang isang ama matapos nitong patayin ang kapitbahay na kaaway ng kanyang anak sa isang madugong sagupaan sa Tanay, Rizal, nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, ang suspek na kilala bilang “Jojo,” taga-Barangay Kay-Buto, ay sumalubong at saksakin ang biktimang si “Joel,” 48, matapos magsumbong ang kanyang anak na lalaki na may alitan sa nasabing kapitbahay.
Naganap ang insidente bandang alas-12:05 ng hapon sa Macarulay St. ng nabanggit na barangay.
Base sa imbestigasyon, dala ng init ng ulo ay hinanap ng ama ang biktima. Nagkaharap ang dalawa at umano’y unang umakma ng patalim si Joel. Nagawan ng paraan ng suspek na agawin ito at gamitin laban sa biktima.
Nariyan pa ang anak na si “Ulo,” na sa halip na umawat, ay tinulungan pa ang kanyang ama sa pagsuntok at pagpigil sa biktima upang hindi makaganti.
Nadala sa ospital si Joel ngunit idineklarang patay sa pagdating.
Kasalukuyang hinahanap pa ng pulisya si “Ulo,” na itinuturong kasabwat sa krimen.
Nakaharap ang mag-ama sa kasong murder at frustrated murder.


