HUMANITARIAN RESPONCE AND ASSITANCE NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS, PATULOY ANG PAGTULONG SA MGA NASALANTA NG LINDOL SA CEBU

Pillars Central News
2 Min Read

SA MGA LARAWAN | Patuloy pa rin ang pagpapadala ng tulong ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa gitna ng mga epekto ng lindol sa Gitnang Ka-Bisayaan

Patuloy na nagpapadala at nagde-deploy ang Philippine Army (PA) mula Septyembre 30, 2025 hanggang sa kasalukuyan para sa mga gawaing Humanitarian Assistance and Disaster Responce (HADR) at pagtugon sa kalamidad kasunod ng 6.9-magnitud na lindol na tumama sa Cebu.

Mananatili umanong operasyonal ang HADR unit ng Hukbo para sa Paghahanap, Pagsagip, at Pagbawi, na nagtutulungan kasama ang mga yunit at tanggapan para sa kalamidad ng pamahalaang lokal sa buong Lungsod ng Bogo, San Remigio, Daanbantayan, at Medellin sa Cebu.

Batay sa pinakabagong ulat, ang pinagsanib na pwersa mula sa 53rd Engineer Brigade, Joint Task Group Cebu sa ilalim ng 3rd Infantry Division, at mga tropang nakaantabay mula sa PA Headquarters Disaster Response Units ay umabot na sa 587 na mga tauhan para sa mga operasyong Paghahanap, Pagsagip, at Pagbawi, Roving Support, at Paglilinis.

Nakatulong na ang mga tagatugon ng Hukbo sa ligtas na paglikas ng 292 na pamilya sa mga bayan ng Carmen, Consolacion, at Sogod, Cebu.

Walang sawang nakikipagtulungan ang Hukbo sa mga partner na ahensya, pamahalaang lokal, at mga boluntaryong stakeholder para sa mabilis at koordinadong pagtugon sa kalamidad sa mga pinakaapektadong lugar sa Cebu upang mapabilis ang pagbangon at muling pagbuo ng lalawigan.

Larawan mula sa: 53rd Engineer Brigade, PA

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *