Masinloc Mayor Arsenia Lim, nahaharap sa disqualification ang kandidatura sa pagka-vice-mayor

Pillars Central News
3 Min Read

MASINLOC, Zambales- Hinainan ng Commission on Elections-Task Force SAFE ng show cause order si incumbent mayor Arsenia Lim, na kasalukuyang tumatakbong vice-mayor ng bayang ito, dahil sa paglabag sa COMELEC Resolution No. 11116.


Sa bisa ng show cause order, inutusan ng COMELEC si Mayor Lim na magpaliwanagn kung bakit hindi dapat madiskwalipika ang kandidatra nito sa pagka-vice mayor ng Masinloc.


Ang nabanggit ng show cause order ay nilagdaan noong Mayo 9, 2025 ni Sonia Bea L. Wee-Lozada, Director at pinuno ng Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections (TASK FORCE SAFE). Kasama din sa kaso si Masinloc Administrator Glenn Elayda.


Ayon sa Order, nagsagawa umano ng pangangampanya noong April 4 ang partido ng Mayor Lim, kasama si Elayda bilang emcee ng caucus, sa Barangay North Pobacion, kung saan ay narinig ang mga ito na tinawag na “demonyo”, at kinutya at hinamak ang kanilang mga kalaban sa politika,
Bagaman nabura na ang link ng video sa internet, nagawa namang makakuha ng kopya ang Task Force. “Nagawang makopya ng mga nagsumbong sa Task Force ang video na maaaring g

awing ebidensya. Maaaring panoorin ang video sa Google Drive link: bit.ly/3StWfn4,” ayon sa Order.


Ayon pa sa Order, tinawag umano ni Lim ang isa sa kandidato sa pagkakonsehal ng kalabang partido ng “demonyo”, samantalang ang vice mayoral candidate na si Desiree Edora, ay tinawag na mas maigi kumpara sa dating Mayor Jessu Edora, o higit pa sa magnanakaw.


Si Elayda naman ay nadawit sa kaso dahil sa pagmustra nito sa mayoralty candidate na si Pedro Enciso na “iika-ika” at hindi na makaakyat ng hagdan, na kinokonsidera ng COMELEC na pag-alipusta at panlalait sa mga taong may kapansanan.


“Sa paningin naming, ang mga salitang binanggit sa mikropono sa harap ng publiko ay maaaring maging paglabag sa Section 261 (e) ng Omnibus Election Code (Batas Pambansa Bilang 881, as amended), na ipinatutpad ng COMELEC Resolution No. 11116,” paliwanag ni Dir. Lozada.

Bunsod ng mga binitawang salita laban sa kanilang kalaban sa politika, pinapagpapaliwanag ng COMELEC si Mayor Lim sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi dapat silang patawan ng disqualification.

Sinubukang kunin Ng Pillars Central News ang panig ni Lim subalit Hindi sumasagot sa tawag.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *