2025 Budget, Ginawang Election Fund? Malacanang May Buwelta

Pillars Central News
1 Min Read

Hinamon ni Palace press officer Claire Castro si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng ebidensya kasunod ang akusasyon nito na ginamit umanong midterm election funds ang 2025 national budget o General Appropriations Act (GAA) for 2025.

“Magiging witness po ba siya sa mga kasong isinampa? Ginagalang po natin ang pananaw ni Mayor Magalong pero mas maganda po sana kung magsasalita po ay andyan na, nakahain na po ang mga ebidensiya na ito ay gamit sa election fund,” saad niya sa press briefing nitong Huwebes, March 27, 2025.

Handa rin naman daw tumulong ang pamahalaan kay Magalong sa mga natatanggap daw nito na death threats kung makakapagpakita siya ng ebidensya.

“Nais po natin kay Mayor Magalong, ibigay po ang mga ebidensya. Bigyan niya na rin po kami dito sa PCO para malaman natin kung may katotohanan ba ang bintang na ito,” dagdag niya.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *