GOVERNMENT DIESEL IMPORT, DADAONG SA MABINI, BATANGAS

Pillars Central News
1 Min Read

BATANGAS– Aabot sa 142,000 bariles o humigit-kumulang 22.6 milyong litro ng diesel ang dadalhin sa bulk storage facility ng Seaoil Philippines sa Mabini, Batangas ngayong weekend.

Pinangunahan ni Energy Secretary Sharon Garin ang pormal na pagtanggap sa shipment na binili ng pamahalaan. Ang procurement ay isinagawa ng Department of Energy (DOE) at ipagkakatiwala sa Philippine National Oil Company (PNOC) at subsidiary nitong PNOC-Exploration Corp. (PNOC-EC).

Umaabot sa hindi bababa sa 200,000 bariles ng diesel ang konsumo ng bansa kada araw, kaya’t kulang pa sa isang araw na pangangailangan ang naturang shipment.

Galing umano sa Japan ang suplay na dumaan sa trading networks sa Singapore at inorder bago pa ideklara ang National Energy Emergency noong Marso 24.

Bagama’t nakarating na sa La Union ang kargamento, inaasahang darating ito sa Batangas sa Sabado. Nanatiling tikom ang DOE at PNOC kung paano ipamamahagi ang diesel, ngunit nilinaw na ito ay binili sa presyong pangmerkado at hindi ibebenta nang may diskwento.

Share This Article