P611 MILYON, NAIBALIK NA SA KABAN NG BAYAN DAHIL SA RESTITUTION SA FLOOD CONTROL SCAM – DOJ

Pillars Central News
1 Min Read

MANILA – Umabot na sa P611 milyon ang perang naibalik sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng restitution sa pagitan ng gobyerno at mga state witness kaugnay ng flood control scam.

Ito ang inihayag ng Department of Justice (DOJ), kung saan kabilang sa mga nagbalik ng pera ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Usec. Roberto Bernardo, Engr. Henry Alcantara, at Gerard Opulencia, pati ang kontratistang si Sally Santos na kinikilalang state witnesses.

Target ng DOJ na maibalik ang kabuuang P1.5 bilyon na naging kickback sa nasabing mga proyekto.

Patuloy naman ang pagsusuri at pagproseso ng ahensya sa mga dokumentong isinumite kamakailan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang tumulong sa kasalukuyang imbestigasyon.

TAGGED:
Share This Article