CONCI MAGSAYSAY, DUMALO SA BUDGET HEARING NG BARANGAY EBB, BUDGET SA 2026 TINIYAK ANG MAAYOS NA PAGLALAANAN NITO

Pillars Central News
1 Min Read

LUNGSOD NG OLONGAPO — Personal na nakipag-ugnayan si Olongapo City Councilor Vic-Vic Magsaysay sa isinagawang budget hearing sa Barangay East Bajac-bajac sa lungsod na ito upang masiguro ang maayos at tamang paglalaan ng pondo ng barangay para sa taong 2026.

Sa isinagawang pagdinig, binigyang-diin ni VVM ang kahalagahan ng partisipasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano ng badyet, partikular na sa mga programang nakatuon sa pang kalusugan at edukasyon— na kabilang sa haligi ng kanyang adhikain sa ilalim ng kanyang ring adbokasiyang (#SerbisyongMagsaysay)

Ayon sa mga residente at barangay official na dumalo, malaking tulong ang direktang pakikipag-ugnayan ni Councilor Vic-Vic upang matiyak na maging makabuluhan at kumpleto ang pondo para sa mga proyekto sa komunidad.

Matatandaang patuloy ang pagsusumikap ni VVM na isulong ang mahusay na pamamahala sa bawat antas ng pamahalaan, simula sa barangay hanggang sa mas malawak na adhikain para sa lalawigan.

TAGGED:
Share This Article