CONCI MAGSAYSAY, NAKISAYA SA INAUGURATION NG KALYE KASIYAHAN SA EAST BAJAC-BAJAC

Pillars Central News
2 Min Read

LUNGSOD NG OLONGAPO– Personal na nakisaya si Olongapo City Councilor Vic-Vic “VVM” Magsaysay sa mga residente ng Barangay East Bajac-Bajac (EBB) sa ginanap na pagbubukas ng kanilang “Kalye Kasiyahan” kahapon araw ng Sabado

Masayang sinalubong ng mga taga-EBB ang konsehal ng lungsod na nakiisa sa selebrasyon at nakipagkuwentuhan sa mga residente at barangay officials.

Ang nasabing kalye ay nagsisilbing sentro ng kasiyahan at pagkakaisa sa kanilang komunidad sa gitna ng kanilang selebrasyon.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Magsaysay ang inisyatibo ng barangay sa paglikha ng isang lugar na maglalapit sa mga residente at magbibigay ng ligtas na espasyo para sa lahat.

“Isa itong magandang halimbawa ng pagkakaisa ng ating mga kababayan. Congratulations sa lahat ng taga-East Bajac-Bajac sa matagumpay na pagbubukas ng inyong Kalye Kasiyahan.

Kayo po ang dahilan kung bakit buhay na buhay ang diwa ng pagtutulungan dito sa ating lungsod,” pahayag ng konsehal.

Kasabay ng kanyang pagbati, nagpaabot din siya ng kanyang dasal para sa isang matagumpay, ligtas, at mapayapang pagdiriwang para sa buong barangay.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adhikain ng pamahalaang lungsod na palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, alinsunod na rin sa kanyang adbokasiya na #SerbisyongMagsaysay na may pokus sa #KalusuganAtEdukasyon para sa lahat.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *