Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID) ang isang parcel na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush” sa Port of Clark. Ayon sa ulat ng BOC, idineklara ang laman ng parcel bilang “Women’s Woven Shirt” ngunit nadiskubre sa pagsusuri na naglalaman ito ng iligal na droga.
Tinatayang nasa 504 gramo ng high-grade marijuana ang natagpuan sa loob ng parcel na may kabuuang halagang humigit-kumulang ₱756,000. Ang nasabing padala ay iniulat na patungo sa Cavite bago ito naharang ng mga awtoridad sa isinagawang inspeksyon.
Kasalukuyang nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga sangkot sa tangkang pagpasok ng iligal na droga sa bansa. Patuloy naman ang pinaigting na koordinasyon ng mga ahensya upang mapigilan ang pagpasok at pagkalat ng mga ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas


CTTO: BOC CLARK


