BATAAN – Pinasinayaan na ng Alternergy Holdings Corp. ang operasyong komersyal ng ₱1.4 bilyong Balsik Solar Power Plant sa Hermosa, Bataan, na magdaragdag ng 28 megawatts na kapasidad sa national grid.
Inaasahang makapag-generate ang pasilidad ng humigit-kumulang 45,000 megawatt-hours ng kuryente taun-taon matapos ang pagsubok, komisyon, at pagkuha ng clearance mula sa National Grid Corp. of the Philippines.
Sakop ang 30 ektarya, gumagamit ang solar farm ng 45,600 bifacial solar modules at tinatayang mailalayo nito ang 31,000 metric tons ng carbon emissions.
Bahagi ang proyektong ito ng lumalawak na renewable portfolio ng Alternergy habang naka-target ang kumpanya ng kabuuang kapasidad na 1,000 megawatts pagsapit ng 2030.


