Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagtatalaga ng isang large-scale exercise zone sa West Philippine Sea, partikular sa kanlurang bahagi ng Zambales.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, magsasagawa ng ibaβt ibang aktibidad ang AFP kasama ang mga kaalyadong militar mula January 21 hanggang March 31.
Naglabas na rin ang mga awtoridad ng Notice to Airmen at Notice to Mariners upang ipaalam sa international community ang mga posibleng drills sa lugar na sakop ng 200-nautical mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.


