Upang matiyak na maglilingkod nang may pananagutan ang mga mambabatas, isinusulong ang panukalang batas na “No Work, No Pay for Members of Congress Act” (House Bill 7432).
Sa ilalim ng panukala, ang sahod at benepisyo ng mga kongresista at senador ay ibabatay sa kanilang aktwal na pagdalo sa mga sesyon ng plenaryo, pagdinig sa komite, at iba pang opisyal na gawain.
Inaatasan din nito ang paglalathala ng mga tala ng pagdalo. Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, ang naturang pagsasaayos sa sahod ng mga mambabatas ay malinaw namang pinahihintulutan ng Saligang Batas.
Sa kasalukuyan, tumatanggap ang bawat senador at kongresista ng buwanang sahod na ₱300,000.


