GUSTO MO BANG MAGING PULIS? INAANYAYAHAN NG NAPOLCOM ANG MGA TAGA-CENTRAL LUZON SA PNP EXAMS

Pillars Central News
2 Min Read

Inaanyayahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) Central Luzon ang mga kwalipikadong residente ng rehiyon na mag-apply para sa Philippine National Police (PNP) entrance, promotional, at police executive service eligibility written examinations na gaganapin sa Abril 19, 2026.

Ayon sa NAPOLCOM, magbubukas ang online registration sa pamamagitan ng kanilang scheduling system mula Pebrero 16 hanggang 20, 2026 sa opisyal na website na www.napolcom.gov.ph.

Isasagawa ang pagsusuri at pagproseso ng mga dokumento ng mga aplikanteng may kumpirmadong online appointment mula Pebrero 18 hanggang Marso 20, 2026 sa NAPOLCOM Regional Office 3 sa loob ng Diosdado Macapagal Government Center sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga. Sa Central Luzon, ang mga pagsusulit ay idaraos sa Pampanga High School sa Lungsod ng San Fernando at sa Nueva Ecija University of Science and Technologyโ€“Sumacab Campus sa Lungsod ng Cabanatuan.

Bukas ang PNP entrance exam sa mga Pilipinong edad 21 hanggang 30 na nagtapos ng apat na taong kurso, pati na rin sa mga patrolman at patrolwoman na may pansamantalang appointment. Pinayuhan ng NAPOLCOM ang mga interesadong aplikante na magparehistro nang maaga dahil limitado ang appointment slots at ipoproseso ito sa first-come, first-served basis. Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa website ng NAPOLCOM o makipag-ugnayan sa kanilang opisina. |

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *