Limang drug suspek, nasakote sa “drug den” sa bayan ng Subic

Jennifer Go
1 Min Read

Subic, Zambales —Limang katao, kabilang ang umano ay drug den operator, ang nasakote ng mga tauahn ng philippne drug enforcfement agency o pdea sa isinagawang buy-bust operaton kung saan ay nakumpiska ang umaabot sa ₱81,000 halaga ng hinihinalang shabu kamakalawa ng madaling araw sa bayang ito.

Sa inilabas na ulat ng PDEA, kinilala ang mga suspek bilang isang alias Neil, 60 taong gulang, ang itinuturong drug den operator sa Purok 4, Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.

Ayon pa sa ulat, si Neil ay nasakote sa loob ng isang barong-barong na nagsilbing drug den kung saan ay naaktohan din ang apat na iba pa habang gumagamit ng ipinagbabawal na droga, kabilang sina: alias Toto, 45 taong gulang; alias Ela, 42; alias Ar -ar, 45, at alias Pataw, 47, na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Ang operasyon ng PDEA ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Subic Police Station at Zambales Police Office-Drug Enforcement Unit.

Habang nakatakdang sampahan ng paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang mga naaresto.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *