SBMA at HPG, Magtatatag ng Tanggapan para sa Clearance ng Sasakyan sa Subic Freeport

Pillars Central News
5 Min Read

Subic Bay Freeport – Magtutulungan ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang itatag ang isang Motor Vehicle Clearance Division (MVCD) sa loob ng pangunahing Freeport Area ng Subic Bay.

Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Eduardo Jose L. Aliño, ang pagbuo ng Sattelite office ng MVCD ay magsasanggalang sa Freeport laban sa ilegal na paglabas ng mga hindi rehistradong sasakyan.

Nagsagawa ng paglagda bilang kasunduan at pinirmihan ni Aliño ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nila ni Lt. Col. Jansky Andrew S. Jaafar, Officer-In-Charge ng MVCD ng PNP-HPG, noong Setyembre 29, 2025, sa gusaling pampangasiwaan ng SBMA.

Ayon kay Jaafar, ang MVCD ay isang yunit sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) na responsable sa pagbibigay ng motor vehicle clearance, na pangunahing kailangan para sa paglilipatan ng pagmamay-ari ng mga gamit na sasakyan upang matiyak na ang mga ito ay hindi nakaw o may kaugnayan sa anumang kriminal na gawain.

Ang tanggapan ng MVCD ang magpoproseso at magbibigay ng Motor Vehicle Clearance Certificates (MVCC) na hinihingi ng Land Transportation Office (LTO) para sa lahat ng uri ng sasakyan ng publiko.

Pananatilihin at pamamahalaan din ng nasabing opisina ang isang database na tinatawag na Vehicle Information Management System (VIMS) na nagtatala o naglilista ng mga “alarmed” o nakaw na sasakyan.

Aabisuhan ng tanggapan ang SBMA kung may natukoy na “alarmed” o nakaw na sasakyan, lalo na kung ito ay ipinaparehistro sa ilalim ng isang locator o residente ng Subic Bay Freeport.

Giit pa ni Chairman Aliño, ang pagtatatag ng tanggapang ng MVCD ay magdudulot ng karagdagang proteksyon sa pamamagitan ng pagsasanggalang sa freeport laban sa mga walang scrupulong indibidwal na nagnanais gamitin ang lugar para parehistro ang mga “alarmed” o nakaw na sasakyan.

“Handa na makipagtulungan ng lubusan ang SBMA sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa loob at paligid ng Subic Bay Freeport Zone, at upang hadlangan ang sinumang nagnanais na magsagawa ng ilegal na mga gawain sa nasabing lugar,” dagdag niya. (30)

SBMA at HPG, Magtatatag ng Tanggapan para sa Clearance ng Sasakyan sa Subic Freeport

Subic Bay Freeport – Magtutulungan ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang itatag ang isang Motor Vehicle Clearance Division (MVCD) sa loob ng pangunahing Freeport Area ng Subic Bay.

Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Eduardo Jose L. Aliño, ang pagbuo ng Sattelite office ng MVCD ay magsasanggalang sa Freeport laban sa ilegal na paglabas ng mga hindi rehistradong sasakyan.

Nagsagawa ng paglagda bilang kasunduan at pinirmihan ni Aliño ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nila ni Lt. Col. Jansky Andrew S. Jaafar, Officer-In-Charge ng MVCD ng PNP-HPG, noong Setyembre 29, 2025, sa gusaling pampangasiwaan ng SBMA.

Ayon kay Jaafar, ang MVCD ay isang yunit sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) na responsable sa pagbibigay ng motor vehicle clearance, na pangunahing kailangan para sa paglilipatan ng pagmamay-ari ng mga gamit na sasakyan upang matiyak na ang mga ito ay hindi nakaw o may kaugnayan sa anumang kriminal na gawain.

Ang tanggapan ng MVCD ang magpoproseso at magbibigay ng Motor Vehicle Clearance Certificates (MVCC) na hinihingi ng Land Transportation Office (LTO) para sa lahat ng uri ng sasakyan ng publiko.

Pananatilihin at pamamahalaan din ng nasabing opisina ang isang database na tinatawag na Vehicle Information Management System (VIMS) na nagtatala o naglilista ng mga “alarmed” o nakaw na sasakyan.

Aabisuhan ng tanggapan ang SBMA kung may natukoy na “alarmed” o nakaw na sasakyan, lalo na kung ito ay ipinaparehistro sa ilalim ng isang locator o residente ng Subic Bay Freeport.

Giit pa ni Chairman Aliño, ang pagtatatag ng tanggapang ng MVCD ay magdudulot ng karagdagang proteksyon sa pamamagitan ng pagsasanggalang sa freeport laban sa mga walang scrupulong indibidwal na nagnanais gamitin ang lugar para parehistro ang mga “alarmed” o nakaw na sasakyan.

“Handa na makipagtulungan ng lubusan ang SBMA sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa loob at paligid ng Subic Bay Freeport Zone, at upang hadlangan ang sinumang nagnanais na magsagawa ng ilegal na mga gawain sa nasabing lugar,” dagdag niya.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *