Sa ginanap na press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) ngayong Miyerkules, Marso 19, sinabi ni PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na hindi umano tututol ang Palasyo sa petisyon ni dating Sen. Leila de Lima na tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Aniya, hindi mangingialam ang Malacañang sa pagtulong ng dating senadora sa ICC kung ito umano ay boluntaryo niyang gagawin at kung papayagan ito ng prosecutors ng naturang tribunal.
Matatandaan na nakulong si De Lima sa termino ni Duterte mula Pebrero 2017 hanggang Nobyembre 2023 sa Camp Crame dahil sa umano’y drug-related charges.
Si De Lima ang nanguna sa unang imbestigasyon sa Davao Death Squad (DDS) ni Duterte noong nagsisilbi pa si Digong bilang alkalde ng Davao City.