Olongapo City โ Nabuo ang mas malawak na kooperasyon sa pangangalagang pangkalusugan matapos dumalo si Gov. Hermogenes โJunโ Ebdane Jr. sa Prime HealthCare Meet and Greet Session na ginanap noong Setyembre 25, 2026, sa UltiCare Medical Center sa Barretto, Olongapo City.
Hindi lamang pagbati ang naging sentro ng sesyon kundi pati ang pagpapalitan ng kaalaman tungkol sa makabagong vascular at urology surgery.
Nagbahagi ng kanilang kadalubhasaan ang mga siruhanong Singaporean na sina Dr. John C. Wang, espesyalista sa Vascular and Endovascular Surgery at General Surgery, at Dr. Jay Lim, espesyalista sa Urology, Endourology, Laparoscopic and Robotic Surgery.
Pinangunahan ang grupo ni Carlos โCharlieโ S. Gonzalez, Pangulo, Chairman of the Board, at Chief Executive Officer ng Ulticon Builders, Inc. (UBI).
Dumalo at nakibahagi sa talakayan at Q&A portion ang mga doktor at siruhano mula sa UltiCare Medical Center, kabilang ang mga doktor ng lalawigan. Tinalakay nila ang mga bagong pamamaraan, karanasan, at posibleng paggamit ng advanced surgery sa lokal na serbisyong medikal.
Kasama ni Ebdane sina Zambales Board Member Rundy Ebdane; Mayor ng Botolan, Zambales na si Omar Ebdane; San Antonio Mayor Dr. Arvin Antipolo; Zambales Provincial Consultant for Infrastructure and Development Engr. Domingo Mariano; mga pinuno ng departamento ng lalawigan; mga doktor ng lalawigan; at Larraine B. Rico, executive assistant ng gobernador.
Ayon kay Ebdane, mahalaga ang ganitong uri ng kooperasyon upang palawakin ang kaalaman ng mga lokal na doktor at itaas ang kalidad ng serbisyong medikal sa lalawigan.
Layunin din nitong ipagpatuloy ang pagpapabuti ng serbisyo sa kalusugan sa pamamagitan ng internasyonal na pagpapalitan ng kaalaman.




