ACEN, NAGDAGDAG NG P1.147 BILYON SA SUBSIDIARY PARA SA PALAUIG SOLAR 2 PROJECT

Pillars Central News
2 Min Read

Palauig, Zambales – Naglahay ng karagdagang P1.147 bilyon ang ACEN Corp, ang renewable energy arm ng Ayala Group, sa subsidiary nitong Giga Ace 8 Inc upang ituloy ang konstruksyon ng 300-megawatt na Palauig Solar 2 project sa Zambales.

Sa inihaing disclosure ng kumpanya sa Philippine Stock Exchange nitong Huwebes, pumasok ito sa isang negotiated subscription agreement para bumili ng common at redeemable preferred shares na inilabas ng subsidiary mula sa hindi pa naipapalabas na capital stock.

Ang bagong puhunan ay kasunod ng unang P8.69 bilyon na equity infusion ng ACEN sa Giga Ace 8 noong 2024.

Sa ilalim ng terms ng equity purchase, kukuha ang ACEN ng 3.44 milyong common shares at 30.98 milyong redeemable preferred “A” shares, parehong may par value na P10 bawat share.

Kasama rin sa transaksyon ang pagbili ng 8.03 milyong redeemable preferred “C” shares sa halagang P100 bawat share.

Saklaw ang 275 ektarya, ang Palauig Solar 2 ang pangalawang pinakamalaking solar farm ng ACEN sa bansa at matatagpuan kalahating kilometro mula sa umiiral nang Palauig Solar 1.

Ayon sa parent company, sinasamantala ng expansion na ito ang potensyal ng malinis na enerhiya ng Zambales habang pinalalawak ng ACEN ang kasalukuyang operating at development portfolio nito sa humigit-kumulang 7,000 megawatts sa domestic at international markets.

TAGGED:
Share This Article