JUST IN: OIL TANKER NG KUWAIT, INATAKE NG IRAN SA DUBAI

Pillars Central News
1 Min Read

IRAN – Inatake ng puwersa ng Iran ang Kuwaiti crude oil tanker na “Al-Salmi” habang nakaangkla ito sa anchorage area ng Dubai Port sa United Arab Emirates, ayon sa Kuwait Petroleum Corporation (KPC) nitong Martes ng madaling araw.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng KPC na puno ng krudo ang tanker nang mangyari ang insidente bandang 12:10 a.m. noong Marso 31.

Dahil sa pag-atake, nagkaroon ng pinsala sa katawan ng barko at sumiklab ang sunog sa loob nito, na nagdulot din ng banta ng oil spill sa karatig na karagatan.

Ang naturang tanker ay may dalang humigit-kumulang 2 milyong bariles ng langis na nagkakahalaga ng higit $200 milyon o 12.8 bilyong piso batay sa kasalukuyang presyo.

Kinumpirma ng KPC na walang nasugatan sa mga tripulante. Patuloy naman ang masusing pagsusuri sa pinsala habang isinasagawa ang mga hakbang upang maprotektahan ang barko at maiwasan ang mas malawak na epekto sa kapaligiran.

TAGGED:
Share This Article