IRAN – Tumayo siya sa korte at piniling huwag manahimik.
“Pinabayaan ninyong dumanak ang dugo ng napakaraming kabataan. Paano ako mananahimik? Wala akong pakialam. Patayin niyo na lang ako,” mariin niyang sinabi sa hukom.
Kinumpirma ng Iran ang hatol na kamatayan sa 18-anyos na si Melika Azizi, na inakusahan ng pagsunog ng bandila sa gitna ng mga protesta. Inaresto siya sa gitna ng malawIRANakang kaguluhan sa Gilan Province at kinasuhan ng moharebeh o pakikidigma laban sa Diyos—isang krimeng may kaparusahang kamatayan sa ilalim ng batas ng Iran.
Mula nang siya’y arestuhin, ikinulong siya sa Lakan Prison malapit sa Rasht. Ayon sa mga ulat mula sa mga aktibista at Delhi Magazine, siya ay binugbog habang nasa kustodiya at ikinulong nang mag-isa sa loob ng 45 araw.
Sa kanyang pagharap sa hukuman, tumanggi siyang magmakaawa para sa awa. Sa halip, pinili niyang magsalita at kwestyunin ang karahasan—isang matapang na paninindigan sa kabila ng lahat.
Ang kanyang kaso ay bahagi ng mas malawak na crackdown sa mga protesta, kung saan maraming pag-aresto at mabibigat na parusa ang naitala.
Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Pillars Central News Online.


