RUSSIAN CRUDE OIL SHIPMENT NASA BATAAN NA, MATAPOS ANG LIMANG TAON

Pillars Central News
1 Min Read

Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, may naitalang pagdating ng Russian crude oil sa Pilipinas matapos makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga pribadong intermediaries at suppliers.

Isang tanker ang naghatid ng tinatayang 100,000 tonelada ng ESPO blend mula sa Kozmino port ng Russia patungo sa refinery ng Petron sa Limay, Bataan. Ang nasabing kargamento ay dumating noong Marso 24, ayon sa ulat.

Ayon kay Sharon Garin, nananatiling bukas ang bansa sa iba’t ibang mapagkukunan ng langis, kabilang na ang Russia. Ito ay kasabay ng 30-day window ng Estados Unidos na pansamantalang nagluwag sa sanctions.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga supplier mula Thailand, Japan, at Singapore upang matiyak ang sapat at matatag na suplay ng enerhiya.

TAGGED:
Share This Article