ZAMBALES POLICE, ARESTADO ANG ISANG SUSPEK MATAPOS SAKSAKIN ANG KANYANG TIYAHIN

Pillars Central News
2 Min Read

IBA, ZAMBALES – Matagumpay na dinakip ng mga tauhan ng Iba Municipal Police Station (MPS) ang isang 34-anyos na lalaking suspek kasunod ng insidente ng pagsaksak sa Barangay Sta. Barbara noong umaga ng Marso 13, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, lumabas lamang ang 63-anyos na biktimang babae ng kanyang tirahan bandang 9:30 ng umaga upang bumili ng tinapay.

Ilang sandali pa, nakarinig ng iyak at saklolo ang isang testigo at natagpuang may saksak sa tiyan ang biktima. Bago tuluyang bumagsak, agad na kinilala ng biktima ang kanyang pamangkin bilang ang suspek.

Agad namang tumugon ang mga tauhan ng Iba MPS sa ulat at nagtungo sa pinangyarihan ng krimen upang i-secure ang lugar at tugisin ang salarin. Dahil sa mabilis na aksyon ng responding team, agarang naaresto ang suspek.

Dali-daling isinugod ang biktima sa isang pagamutan upang mabigyan ng lunas, habang ang suspek naman ay dinala sa himpilan ng Iba MPS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Samantala, Pinapurihan ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO) ang mabilis na pagkilos ng mga lokal na pulis, na binigyang-diin na ang kaligtasan ng mamamayan ang kanilang pangunahing prayoridad.

Ang agarang pag-aresto ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP na makamit ang hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *