PWEDE NG DUMAAN SA STRAIT OF HORMUZ, MALIBAN SA MGA BARKO NG ISRAEL AT AMERICA – IRAN

Pillars Central News
1 Min Read

TEHRAN– Nilinaw ng Iran na hindi nito isinasara ang pangunahing ruta ng langis sa mundo, ang Strait of Hormuz, ngunit mayroon itong pinapatupad na pagbabawal laban sa mga barko ng kanilang mga kaaway.

Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, nananatiling bukas ang makipot na lagusan para sa lahat ng klase ng barko, maliban sa mga sasakyang pandagat na pagmamay-ari ng Israel at ng Amerika.USA

“Hindi namin isinara ang Strait of Hormuz. Patuloy itong dinadaanan ng halos 20 porsyento ng supraly ng langis sa buong mundo mula sa Gulf region,” pahayag ng kalihim.

Gayunpaman, nilinaw ni Araghchi na hindi nila pinapayagang makadaan ang ilang oil tanker na kontrolado ng kanilang mga kalaban, partikular na ang mga konektado sa Estados Unidos at Israel.

Sa kabila ng garantiyang ito, nananatiling alarma ang international community matapos ang sunod-sunod na insidente sa naturang lagusan. Ilang barko na ang binomba habang dumadaan sa Strait of Hormuz, kabilang na ang isang Thai vessel na kinumpirma ng mga awtoridad na wala namang kinalaman sa anumang sigalot.

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa rehiyong ito habang pinagmamasdan ng mundo ang tensyon sa pagitan ng Iran at Kanluraning bansa.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *