OLONGAPO CITY – Labis ang pasasalamat ni Konsi Vic-Vic Magsaysay matapos siyang bigyan ng pagkilala ng Department of Education (DepEd) Tayo ng Sta. Rita High School.
Iginawad ng paaralan ang parangal sa alkalde bilang pagpapahalaga sa kanyang aktibong pakikipagtulungan at kontribusyon sa iba’t ibang programa at inisyatibo ng nasabing high school.
Sa kanyang mensahe, hindi maikaila ang tuwa ni Konsi VVM sa nasabing parangal, na tila nagpapatunay lamang sa kanyang dedikasyon para sa sektor ng edukasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilalang ito ay isang matibay na patunay at pruweba ng aktibong pagtutulungan ng komunidad at ng mga lokal na lider, na ang pangunahing layunin ay ang kapakanan at ikauunlad ng mga mag-aaral sa lungsod.
“Maraming salamat po sa DepEd Tayo Sta. Rita HS. Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa ating mga kabataan,” pahayag ni Magsaysay.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga programang pang-edukasyon upang masigurong maginhawa at dekalidad ang pag-aaral ng bawat estudyante sa Lungsod.




