SUSPEK SA PAGNANAKAW SA KONSTRUKSYON, ARESTADO SA STA. CRUZ

Pillars Central News
1 Min Read

STA. CRUZ, ZAMBALES – Mabilis na napaaresto ang isang 45-anyos na butcher matapos nitong nakawin ang mga gamit sa isang konstruksyon sa Barangay Poblacion South nitong Huwebes, March 12, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-12 ng tanghali kung saan nakita ng isang administrative aide na pinagpuputol-putol ng suspek ang horizontal fence ng isang gusali.

Matapos itong tangayin, isinakay umano ng suspek ang dalawang steel C-purlins sa isang itim na Rusi na may sidecar at tumakas patungo sa direksyon ng Poblacion North.

Agad na sumunod ang foreman ng konstruksyon sa suspek at natunton ito sa isang junk shop sa nasabing barangay.

Dahil dito, nagrespond ang mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS) at dinakip ang suspek habang nasa loob pa ito ng junk shop.

Narekober mula sa suspek ang dalawang steel C-purlins at ang motorsiklong ginamit nito sa krimen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang suspek habang inihahanda na ang kaukulang kasong pagnanakaw laban dito.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *