Arestado ang tinaguriang TOP 3 Most Wanted ng Zambales sa isinagawang Manhunt operation ng San Antonio pulis ngayong Marso 5, 2026.
Matapos ang masusing pangangalap ng impormasyon, napagalaman ni PCOL BENJAMIN P ARIOLA, Provincial Director, na ang TOP 3 Most Wanted ng Zambales ay nagtatago sa Purok 3, Santol Extension, Barangay New Cabalan, Olongapo City. Agad naman kumilos ang mga kapulisan ng San Antonio, sa pamumuno ni PMAJ MARVIN DOMACENA, katuwang ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit para tugisin si alyas “Mike”.
Naihain sa suspek ang Arrest Warrant para sa paglabag sa Sec 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang suspek ay siya ring TOP 1 Most Wanted sa bayan ng San Antonio, Zambales. Kasalukuyan nasa kustodiya ng San Antonio MPS ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento ng kanyang kaso.
“Binabati ko ang mga kapulisan ng San Antonio para sa matagumpay na operasyong ito. Tinitiyak po namin sa ating mga kababayan na hindi mapapagod ang inyong mga kapulisan na panatilihin ang kapayapaan sa ating lalawigan.” Ani ni PCOL ARIOLA.


