INIHAING ‘ANTI-ROAD RAGE ACT,’ LAYONG PIGILAN ANG KARAHASAN AT PANANAKOT SA KALSADA

Pillars Central News
2 Min Read

LUNGSOD QUEZON, Philippines— Isang mahalagang panukala na naglalayong sugpuin ang lumalalang insidente ng karahasan sa kalsada ang inihain sa Kamara de Representantes.

Personal na inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang House Bill No. 8190, o mas kilala bilang “Anti-Road Rage Act.” Ang panukalang batas na ito ay tahasang naglalayong gawing kriminal na gawain ang agresibong pagmamaneho at magtakda ng kaukulang parusa sa mga lalabag dito.

Ayon kay Majority Leader Marcos, ang pangunahing layunin ng panukala ay matiyak na ang lahat ng kalsada sa Pilipinas ay magiging ligtas at payapa para sa lahat. Layon din nitong tuluyan nang maiwasan ang mga insidente ng pananakot, pananakit, at karahasan sa pagitan ng mga motorista.

Binigyang-diin sa bill na ang responsableng paggamit ng kalsada, disiplina, at pagrespeto sa kapwa ay dapat na maging pangunahing prinsipyo ng bawat driver.

Ibinatay ni Marcos ang kanyang panukala sa datos mula sa Philippines Road Safety Profile ngayong taong 2025, na nagpapakita na nananatiling mataas ang bilang ng mga aksidente sa kalsada sa bansa. Dahil dito, iginiit ng mambabatas na mahalagang magkaroon ng isang malinaw na legal na balangkas (legal framework) na hindi lamang magpaparusa kundi ay makatutulong na pigilan ang road rape bago pa man ito mauwi sa hindi inaasahang trahedya.

Inaasahang tatalakayin sa komite ng Kamara ang nasabing panukala sa mga susunod na linggo.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *