DTI ZAMBALES, NAGSAGAWA NG PAGWASAK SA MGA NAKUMPISKANG LOW CARBON STEEL WIRES NA WALANG SAPAT NA CERTIFICATION

Pillars Central News
1 Min Read

Masinloc, Zambales – Sinira at kinumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) Zambales, sa pamamagitan ng Consumer Protection Division, ang 48 roll ng nakumpiskang Low Carbon Steel Wires na nagkakahalaga ng PhP66,000.00 sa bayang ito.

Ang mga produktong ito ay bahagi ng naisagawang Provincial Enforcement Operations ng ahensya noong Agosto 2025.

Ang mga nasabing alambre ay nasabat dahil sa kawalan ng mandatory certification mula sa DTI, na mahalaga upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga ito alinsunod sa mga pamantayan ng pamahalaan.

Pinaigting ng DTI ang kanilang monitoring at enforcement operations, kabilang na ang inspeksyon sa mga retail firms at pag-iisyu ng notices of violation, upang masugpo ang pagkalat ng mga walang sertipikasyong produkto sa merkado.

Ayon sa DTI, ang hakbang na ito ay patunay ng kanilang commitment sa pampublikong kaligtasan at proteksyon ng mga konsyumer sa pamamagitan ng pagkumpiska at pagwasak sa mga produktong hindi sumusunod sa mandatory product certification scheme.

Paalala ng DTI sa mga mamimili na maging mapanuri at siguraduhing bumibili lamang ng mga sertipikadong produkto upang maiwasan ang panganib sa structural integrity ng mga gusali at aksidente na maaaring idulot ng mga substandard na kagamitan.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *