Samahan ng Mangingisda sa Cabangan, Tumanggap ng Dagdag “Payao” bilang Dagdag na Proyektong Pang-kabuhay

Pillars Central News
2 Min Read

CABANGAN, Zambales – Nagpakita ng tunay na diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ang mga miyembro ng Cabangan Filmeda Diaz Fisherfolk Association (CFDFA) matapos nilang tanggapin ang “payao” o artipisyal na tirahan ng mga isda sa karagatan ng bayan.

Ayon kay Paolo Enriquez Quitaneg, presidente ng Zambales Provincial Fisherfolks Association , ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at pagsisiguro na may sapat na pagkain ang bawat pamilya sa lalawigan.

“Sa pamamagitan ng payao, inaasahang dadami ang mga isda sa lugar, na magbibigay ng mas maraming huli hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod pang henerasyon ng mangingisda,” dagdag pa ni Quitaneg

Sinabi pa ni Quitaneg na labis umano ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Provincial Government sa pamumuno ni Zambales Governor Hermogenes “Jun” E. Ebdane Jr. dahil sa walang sawang suportang ibinibigay nito sa kanilang asosasyon para masigurong maganda ang kinabukasan ng bawat pamilya ng mha mangingisda sa Probinsya, na binubuo ng nasa 27,000 miyembro.

“Ito ay simbolo ng aming pagkakaisa. Hindi lang para sa dagdag na kita, kundi para sa mas maunlad at siguradong kinabukasan ng aming mga pamilya, pahayag naman ng isang kinatawan ng asosasyon.

Makikita sa nasabing proyekto na ang pagtutulungan ay susi sa pag-abot ng kaunlaran. Tunay na binibigyang halaga ng mga kasapi ang likas-yaman ng karagatan bilang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

TAGGED:
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *